Malabon News

Malabon issues ordinance on registration of certificates
Ipinasa ng Sangguniang Panlungsod ang City Ordinance No. 26-2020 na nagtatakda ng mandatory registration ng Certificate of Live Birth sa Local Civil Registry Department mula sa mga paanakan o ospital sa loob ng 30 araw mula pagkapanganak.
Para naman sa mga hindi kasal ang magulang ng batang isinilang, mandatory para sa mga magulang ang pagpaparehistro ng Birth Certificate ng kanilang mga anak sa loob ng 30 araw mula pagkapanganak.
Mandatory na rin ang pagpaparehistro ng mga punerarya ng Certificate of Death sa Civil Registry sa loob ng 30 araw mula pagkamatay.
Ang sinumang lalabag sa ordinansa ay papatawan ng P5,000 multa o pagkakakulong ng isang buwan at isang araw hanggang tatlong buwan.
Ang Mayor’s Permit ng lalabag na birthing clinic, hospital, o funeral parlor ay sususpendehin ng isang buwan sa unang paglabag; sususpendehin ng tatlong buwan sa pangalawang paglabag; at babawiin sa pangatlong paglabag.
Para sa ilang katanungan, maaaring bisitahin ang Local Civil Registry Department sa Malabon City Hall, 3rd floor, mula ika-8 ng umaga hanggang ika-3 ng hapon, o bisitahin ang kanilang Facebook Page sa link na: http://bit.do/malaboncivilregistry
Share your thoughts with us
Related Articles

Pateros jail implements non-contact visitation
The Pateros municipal jail began implementing the non-contact jail visitation starting on May 21, according to a report by Manila Bulletin. Under this policy, visitors can see persons deprived of liberty (PDL) at the facility but without any ph...

Taguig reports 40 new Covid-19 cases in one week
Taguig City recorded 40 additional cases of Covid-19 in one week, 23 percent down from the previous week, according to a report by Manila Bulletin. Daily published data showed Taguig added 40 new cases from May 13 to 19 as its confirmed cases rose f...