Malabon News

130 Malabon seniors receive anti-flu vaccines
130 na senior citizens ang nabakunahan ng flu vaccine sa isinagawang kick off ng Flu Vaccination sa Barangay Potrero.
Sa pangunguna ng City Health Department, inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang Sabayang Flu Vaccination para sa mga senior citizen upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan at maprotektahan sila laban sa mga sakit.
Samantala, patuloy ang pagbabakuna kontra flu sa bawat barangay. Hinihikayat ang mga lolo at lola sa ating lungsod na magpabakuna. Makipag-ugnayan lamang sa inyong barangay health center.