Articles worth reading

Malabon News

Malabon receives new award

Panibagong awards para sa Malabon

account_balanceMalabon chat_bubble_outline0 Comments

Kahapon lamang ay muling ginawaran ang City Government of Malabon, sa pangunguna ng ating butihing Mayor Lenlen Oreta, City Nutrition Action Officer Chef Melissa Oreta at City Nutrition Team, ng Most Innovative Local Government Unit in Nutrition Program Implementation and Management Award at Certificate of Quality Nutrition Program mula sa National Nutrition Council - NCR. Dagdag pa diyan ang consistent Outstanding Barangay Nutrition Scholar (BNS) na si Mr. Judy Cruz.

Naging malaking tulong sa tuloy-tuloy na pagbaba ng malnutrisyon sa #Malabon ay ang inilunsad na Karinderia para sa Kalusugan ni Chikiting (KKC) Program. Ito ay 120-day feeding program at dito ay may 50 partner karinderias tayo kung saan sila ang inaatasang magluto ng mga masusustansyang pagkain para sa mga bata at buntis na ating beneficiary. Bukod sa naipapamahagi natin ang kahalagahan ng tamang nutrisyon sa bawat komunidad ng #Malabon, ito rin ay nagsisilbing dagdag kita ng ating mga partner karinderia.

‘Ika nga ng mga karinderia owner, proud sila na parte sila ng tuluyang pagbaba ng malnutrition rate sa #Malabon. Proud din kami sa inyong tiyaga at pagpapahalaga sa kalusugan ng bawat Pamilyang Malabonian.

date_rangeDate Published
5 months ago
shareShare article
folder_openArticle tags
content_copyCategorized under

Share your thoughts with us

Related Articles

No releated news for this article.

Advertisement